Chapter 36

15K 214 5
                                    

Chapter 36

Lies

Nakapulupot ang malaking braso ni David sa bewang ko. Nakasiksik ang mukha nya sa leeg ko. He fast asleep beside me. Marahil sa pagod na naramdaman nya buong araw kaya agad syang nakatulog. How I wish I'm peaceful as him right now.

Dahan dahan kong inangat ang braso nya para makawala ako sa kanya. Umupo ako sa kama at tinitigan sya. Mahimbing na mahimbing ang pagtulog nya.

Pinasadahan ko ng daliri ko ang makapal nyang kilay. His thick eyebrow and eyelashed define his mysterious eyes. Sa tingi ko yun ang nagpapadagdag ng misteryoso sa pagkatao nya. His lips are thin and red. Hinawakan ko ang mga iyon. Napangiti ako ng maalala ko yung pakiramdam ng mahalikan ng labi na yun. And his long and narrow nose fitted perfectly in his beautiful face.

Ilang saglit ang nakalipas na tinititigan ko sya ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa katabing lamesa sa kamang kinauupuan ko.

Cassie:

We were leaving at 3am. Nagmamadali si Vincent. Sasabay ba kayo?

Nilingon ko si David. Nagdadalawang isip ako sa isasagot ko. Honestly, gusto ko na ding umuwi. Hindi ko alam kung nandito pa si Crizelle, hangga't maaari ayoko syang makita.

So, I replied yes at her. Gigisingin ko na lang mamaya si David.

Pagkatapos magreply ni Cassie ng okay ay nilapag ko na ang cellphone ko sa tabi ng cellphone ni David.

Alas otso pa lang ng gabi. Madilim na sa labas. Tumayo ako sa kama at pinulot ang mga damit ko.

Napapangiti ako ng maalala ko yung nangyari kanina.

Pinulot ko din ang mga damit ni David at itinupi iyon. Lumapit ako sa cabinet na nandoon at niligpit na ang mga gamit namin. Sandali ko lang nagawa ang mga yun.

Nakaramdam ako ng panlalagkit ng katawan kaya napagpasyahan kong magshower sandali. Madalian ko iyong ginawa.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong umiilaw ang cellphone ni David. Lumapit ako dun para tignan.

Unregistered number ang tumatawag. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan habang nakatingin sa number ma yun. My instinct telling me to answer that call pero may pumipigil sakin na balewalain na lang iyon.

But in the end, I found myself holding his phone. I was about to swipe and answer button ng huminto iyon.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sakin na galawin ang cellphone ni David. Napalingon ako sa kanya bago ko gawin iyon.

Nagpunta ako sa inbox nya. Nakita ko yung kaparehong number na tumawag kanina na nagtext doon.

Hindi ko ugaling makialam ng pribadong gamit pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pikit mata kong binuksan ang mensahe na yun.

Agad na umahon ang kaba sa dibdib ko ng mabasa ko ang pangalan ni Crizelle. Inangat ko pa iyon. Nakita ko ang madami nyang text kay David. Pero bilang na bilang lang ang reply ni David sa kanya.

Napukaw ang pansin ko ng isang reply nya.

"Don't worry Criz, I will tell her. For now, we need to wait. Ayokong masaktan sya."

Tinignan ko kung kelan nya iyong message na yun. Nakita ko ang date kahapon.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Inilapag ko na ang cellphone nya.

Napapagod na naupo ako sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko.

Pinalo palo ko ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may tumutusok doon. Nahihirapan akong huminga.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon