Chapter 20

18.5K 222 20
                                        

Chapter 20

Care

Pinagtitinginan kami ng mga empleyado nya ng makita nilang pumasok si David at hawak hawak ang kamay ko.

Pinilit kong bawiin sa kanya iyon pero mahigpit ang kapit nya. Nakakunot noo nya akong tinignan. "Why?" tanong nya.

"A-ano kasi.. nakatingin sila satin," sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"So? They all know that you're my girlfriend.. What's wrong with that? Pagtinginan nila tayo kung ibang kamay ang hawak ko. Pero kamay mo naman ang hawak ko at wala akong nakikitang masama dito."

Tinaas nya pa ang magkahawak kamay naming dalawa. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa klase ng titig nya. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko.

"Let's go," aniya at hinila ako papasok sa elevator.

Pagdating namin sa office nya ay inalalayan nya pa akong maupo sa upuan na nasa harap ng table nya.

"Okay lang ba sa'yo na dyan ka muna? May gagawin lang ako. Sandali lang naman to."

Napatitig ako sa sinabi nya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla syang naging ganito. He suddenly cares for me. Dati rati hindi naman sya ganya.. B-baka nagugustuhan na din nya ako. Napangiti ako sa naisip kong iyon. Pero narealized ko hindi dapat ako mag assume dahil sa huli baka masaktan lang ako. But I can't fight the urge to think that he started loving me. Kinilig ako sa ideyang iyon.

"Hey, what with the smile?" tanong nya sakin habang nakakunot ang noo.

I smiled at him. "Wala. Ano ka ba okay lang ako dito. Sige na gawin mo na yung gagawin mo."

Tinitigan nya ako na parang sinisiguro kung totoo yung sinabi ko. Nilakihan ko pa ang ngiti ko para maniwala sya.

Kahit na magdamag pa akong nakaupo dito walang kaso sakin yun. Pabor pa nga sakin yun kung tutuusin kasi matagal tagal ko syang matititigan.

"Okay.. sandali lang talaga to." Nanlaki ang mata ko ng halikan nya ang noo ko.

Tulala pa din ako hanggang sa makaupo na si David sa swivel chair nya. P-para saan iyon?

Habang nag iisip ako ng kasagutan para doon hindi ko na mapigilan ang kilig na nararamdaman ko. Sabi nila, mas nakakakilig daw ang paghalik sa noo kaysa labi. Dahil mas nagpapakita daw ng respeto ang paghalik sa noo.

Hindi ko namalayan na napahawak na pala ko sa noo ko at malawak ang ngiti ko.

"What are you doing, Athena?" narinig kong tanong nya. Nakita kong nagtataka sya sa ginawa ko.

Nakangiting umiling ako sa kanya. "Kinikilig lang ako," sabi ko.

May maliit na ngiting sumilay sa labi nya. I can see that he's trying to supress it pero huli na. Nakita ko na ang mga iyon.

Natatakot ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I know wala akong kasiguraduhan. Hindi ko alam kung masusuklian nya ba itong nararamdaman ko pero hindi ko yun malalaman kung hindi ko susubukan.

Hindi na sya nagsalita. Binalik na nya ang tingin nya sa laptop nya at nagsimula na namang magtype. Hinarap ko naman ang cellphone ko at naglaro na lang ng Candy Crush. Paminsan minsan nililingon ko sya at may pagkakataon na nagtatama ang mata naming dalawa. Nginingitian ko sya kapag ganoon.

Napatingin ako sa kanya ng may kinausap sya sa telepono.

"Yes. Dalawang order ng lunch. Dalhin mo dito."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumingin sya sakin. Nginitian ko sya at nag iwas din ng tingin. Hindi ko kinakaya ang titig nya. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. May pumasok na waiter at hila hilla yung tray. Dumiretso ito sa six seater table na nasa office ni David. Nakita kong inayos nya doon ang mga pagkain.

"Sir, okay na po," sabi nito kay David at nagpaalam.

Tinignan ako ni David. "Let's eat. Baka gutom ka na."

Sumunod ako sa kanya ng tumayo sya. Hihilahin ko na sana yung upuan ng gawin nya iyon.

"Let me do this for you," aniya at hinila yung upuan. Nginitian ko sya bago ako naupo doon.

Umikot sya at naupo sa harap ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko natutuliro ko sa mga pinapakita nya ngayon.

"Let's eat, Athena," aniya ng makita nyang hindi ako kumikilos.

Madami ang pagkain na nakahain sa lamesa para saming dalawa. May steak, gulay, fish pillet at buko salad para sa dessert. Iced tea naman para sa inumin.

Maganang kumain si David sa harap ko kaya ginanahan na din ako.

"Try this, masarap to," sabi nya at nilagyan ng fish pillet ang pinggan ko.

Napangiti ako sa ginawa nya. Konting konti na lang bibigay na ang puso ko sa kanya. Hindi ko kinakaya yung kilig na nararamdaman ko sa mga ginagawa nya.

Pagkatapos ng paglalagay nya ng pagkain sa pinggan ko ay hindi na uli sya nagsalita. Tahimik lang kaming kumain. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang naririnig ko pati na din ang malakas na tibok ng puso ko.

This is the first time na may nagcare sakin ng ganito. Although, ganito din ang daddy ko pero iba pa din pala yung pakiramdam kapag yung lalaking nagpapatibok ng puso mo yung gumawa nun sayo. Ang sarap sa feeling. Parang ang gusto mo na lang gawin ay ang ngumiti ng ngumiti dahil sa kilig na nararamdaman mo.

Pero alam ko.. dapat kong limitasyon itong nararamdaman ko. Walang kasiguraduhan ito. Alam ko na kapag pinagpatuloy ko to ako baka masaktan lang ako. But damn it! Kahit anong pigil pa ang gawin ko sa sarili hindi ko magawa. Mahal ko na talaga si David. Alam kong may lalabagin ako. Sinabi na nya sakin na bawal akong mahulog sa kanya pero anong magagawa ko? Hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko. Natagpuan ko na lang isang araw na sya na ang tinitibok ng puso ko. Bahala na. Bahala na kung anong sasabihin nya. Bahala na kung anong magiging reaksyon nya. I don't care what people say about me. I only care for him. Nagmamahal lang ako at ipaparamdam ko sa kanya iyon.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon