Chapter 41
Tiwala
"Saan ka galing?"
Nagulat ako ng makita kong nakatayo si David sa gilid ng pinto. Nakakunot ang noo nya at kitang kita ko ang galit sa mga mata nya.
Kinabahan ako sa nakikita kong itsura nya. Nakita kong hawak nya ang cellphone sa kaliwa nyang kamay.
"S-sa baba."
"Ayoko ng sinungaling, Athena. Uulitin ko ang tanong ko sayo. Saan ka galing?"
Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi pa ko kinabahan ng ganito. Tinatanong nya lang ako pero bakit hirap na hirap akong sagutin ang tanong nya.
"Anong sinabi mo kay Crizelle?" pasigaw na tanong nya sakin.
Unti unting uminit ang dugo ko sa pamamaraan ng pagtatanong nya. Bakit ba kailangan nya kong sigawan? Ano bang mali sa ginawa ko?
"Sinabi ko lang sa kanya na tigilan ka na nya."
Lalong kumunot ang noo nya sakin. Natatakot ako sa tinging ginagawad nya sakin. Unti unti na namang umaahon ang sakit sa dibdib ko.
Ano bang ikinakagalit nya? Bakit ganyan sya magreact? Masama ba yung sinabi ko? Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama.
"Hindi mo dapat ginawa yun, Athena!"
Hindi ko na matiis ang inaakto nya. Mabilis na nanginig ang mga luha sa mga mata ko. It is really obvious that he's depending Crizelle over me. And it hurts me big time.
"Okay. Fine! Hindi ko na gagawin yun. Masisisi mo ba ko na hindi gawin yun? She's trying to win you back. At natatakot ako. Natatakot ako na baka makuha ka nya sakin."
"Athena naman! Wala ka bang tiwala sakin? Di ba sinabi ko naman sayo na magtiwala ka lang sakin. Crizelle and I are friends. Nag usap na kami kagabi. Ano pa bang problema?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Sari sari na ang emosyon sa dibdib ko.
Narinig ko na sa kanya na mahal nya ako pero bakit ganito? Why I can't trust him? Bakit kahit na ipilit ko sa sarili ko na okay ng narinig ko sa kanya na mahal nya ako parang may kulang pa din.
"Sorry. Wag kang mag alala hindi na uli ako makikipag usap sa kanya."
Tinalikuran ko sya at pumasok na sa kwarto.
"Athena!"
Narinig kong sigaw nya sa pangalan ko. Hindi ko sya nilingon. Nasasaktan ako sa ginawa nya. Parang ako pa ang lumabas na mali sa ginawa ko.
Nagkulong ako sa kwarto. Inaasahan ko na susundan nya ako pero nabigo ako.
Alas dose na ng hating gabi pero walang David na pumasok sa kwarto.
Lumabas ako para tignan sya sa sala, pero wala sya doon. Tinignan ko ang kabilang kwarto wala din sya dun.
"Saan kaya yun nagpunta?" tanong ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa kusina. Naglakad ako palapit sa ref. Nakita doon ang baked macaroni. Sa ibabaw ng lalagyan nun ay may nakadikit na sticky note.
'Ito lang ang kaya kong lutuin na alam kong masarap. Please, kumain ka ng madami. Pumapayat ka na.'
Napangiti ako pagtapos kong basahin iyon. Kahit papano ay nabawasan ang tampo ko sa kanya.
Habang binubuksan ko ang lalagyan ng baked mac ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Baliw na ata ako!
Pagkabukas ko nun ay biglang bumaliktad ang sikmura ko. Agad kong nilapag iyon sa lamesa at tumakbo patungo sa lababo.
Sumuka ako ng sumuka. Sumakit ang lalamunan ko at naiiyak na ako sa pait ng lasa ng sinusuka ko. Nang matapos ako doon ay hinilamusan ko ang mukha ko.
Nanghihina na sumandal ako sa lababo. Nang umayos na ang pakiramdam ko ay nagpunta na ako sa dining table. Nagsalin ako ng tubig at ininom iyon.
Kumuha ako ng kutsara at tinikman ko ang baked mac na ginawa ni David. Hindi ko pa naisusubo iyon ay naramdaman kong nasusuka na naman ako.
Inisip ko kung ano yung pagkain na allergic ako na nilagay ni David sa baked mac. Nang makita ko ang mushroom doon ay binitawan ko ang kutsara at tinakpan ko na ang lalagyan ng baked mac. Uminom na lang ako ng tubig.
"Damn! Sayang naman yung baked mac," sabi ko sa sarili ko.
Bumalik na lang ko sa loob ng kwarto. Pagpasok ko doon ay hinagilap ko ang cellphone ko.
Tatawagan ko na sana si David ng makita kong nagtext si Cassie. Binuksan ko iyon at binasa.
Cassie:
Athena, open ka ng fb dali.
Hindi ko alam kung bakit nya ko pinagbubukas. Siguro dahil naupload na nya ang mga pictures namin sa Palawan.
Naglog-in ako sa facebook app na nakainstalled sa cellphone ko. Pagbukas na pagbukas ko ay bumungad sa news feed ko yung post ni Crizelle na may napakadaming likes at comment.
It was video. Nanginginig ang mga kamay ko na pinlay iyon.
Pakiramdam ko hindi ako humihinga habang pinapanood ko yung paghahalikan nila ni David sa bar. Narinig ko na madaming sumisigaw sa background na parang chinicheer pa silang dalawa.
Tumagal iyon ng ten seconds. Sunod sunod ang mga nagcomment doon. Halos karamihan sila ay nagtatanong kung nagkabalikan na sila.
Mabilis akong naglog out. Wala ng patid sa pagtulo ang mga luha ko. Hinayaan ko na ang sarili ko na umiyak sa loob ng kwarto na iyon.
Ano na naman ba to? Akala ko kapag sinabi nya sakin mahal nya din ako, okay na kami. Okay na ang lahat. Pero bakit may ganito?
Sabi nya sakin magtiwala lang ako sa kanya. Paano ako magtitiwala sa kanya kung may nakikita kong ganito?
"Damn it!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko. I think I'm going to lose myself. Nagmamahal lang ako pero bakit ganito? Bakit ang sakit sakit?
Trusting so much kills you. Nagtiwala ako sa kanya. The moment I heard him saying I love you, I surrender my everything to him. I gave my whole heart to him.
But looks what happened now? I left hurting. I felt so broken.
Kinausap ko lang si Crizelle ganito na agad ang nangyari?
Damn! Damn all of you.
I love you, David! I hope someday you will realize how much you hurt me. Mahal na mahal kita pero sa tingin ko hindi ko na kayang magtiwala pa.
Nakapagpasya na ko. Bukas na bukas tatapusin ko na ang lahat.