Chapter 54

15.6K 209 4
                                    

Chapter 54

I'm Sorry

Mabilis na nakatulog si David sa tabi ko. Tulala akong napatigin sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Ano na namang katangahan tong nagawa ko? Dumikit lang kanina sakin yung katigasan ng pag aari nya nagpakatanga na naman na ko.

Mahal ko ba talaga sya? Or it is just lust?

No. I know it's not just lust. I truely know to myself that I loved him. That it's not all about last. But damn it! This is wrong. And what worry me the most is, when he came in inside of me. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano kung mabuntis na naman ako? Anong gagawin ko?

Dahan dahan kong inalis ang braso nya na nakayakap sakin. Napapailing na lang ako ng mapagmasdan ko ang ayos ng kama nya.

Isa isa kong pinulot ang damit ko. Pagkatapos kong suutin iyon ay hinanap ko iyong purse na dala ko. Hindi ko iyon nakita sa kwarto nya kaya lumabas na ako. Nakita ko yun sa sala. Nandoon din ang heels na sinuot ko kanina.

Mabilis kong inayos ang sarili ko. Itetext ko na lang si Cassie mamaya pag uwi ko sa bahay. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya.

Alas dyis pasado na ng makauwi ako. Pag abot ko ng bayad sa driver ay pumasok na ko sa loob. Hindi ko alam kung gising pa si daddy pero dumiretso na ko sa kwarto ko.

Tulala akong naupo sa kama ko. Bumalik lahat sa isip ko yung nangyari kanina. Naiinis ako! I can't accept the fact that I can't resist him. Na hanggang ngayon sya pa rin talaga. My attraction with him makes me dumb again!

"Damn it, ano na namang ginawa ko?" tanong ko sa sarili ko.

Pumikit ako ng bumalik sa isip ko yung nangyari kanina. Ramdam ramdam ko pa rin ang mga halik nya. Ang bawat haplos nya sa balat ko kaya napagpasyahan kong maligo.

Natapos na ko at hanggang sa makahiga ako sa kama ay hindi pa din nawawala yung pakiramdam ko na parang magkadikit pa din yung balat naming dalawa.

Mahihinang katok sa kwarto ko ang gumising sa'kin. Masakit ang ulo ko. Tinatamad akong bumangon. Nang mapalingon ako sa orasan na bedside table ko nakita kong alas sais na ng umaga.

"Athena?" boses ni nurse Anna.

Tinatamad na bumangon ako sa kama para puntahan sya.

"Bakit po?"

"Kumain ka na. Nandoon sa lamesa ang pagkain mo. Pupunta kami sa ospital ng daddy mo. May mga tests pa na gagawin sa kanya para tuluyan na syang makarecover."

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Maraming salamat po nurse Anna."

Niyakap ko sya. Halos isang taon na din nyang inaalagaan ang daddy ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala sya dito.

"Sige na hija, kumain ka na."

"Bababa po ako mayamaya maliligo lang ako."

Pagkatapos nyang magpaalam sa'kin ay bumalik na ko sa loob. Tumuloy ako sa banyo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagbabad sa bathtub. Pero pagkatapos kong maligo gumaan ang pakiramdam ko.

Pinili kong isuot yung oversized shirt na bigay ni Conrad sa'kin. Sa harap nun ay may nakasulat na 'I own this girl.'

Hindi na ko nagsuot pa ng shorts dahil hanggang gitna ng hita ko naman yung t-shirt. I don't even wear a bra.

Bumaba ako habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang kamay ko. Muntik na kong mahulog sa hagdan ng makita ko si David na prenteng nakaupo sa sofa namin. Nakapikit ang mga mata nya. Naramdaman nya siguro ang presensya ko kaya dumilat sya. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.

Damn this heartbeat! Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan ng ganito? This can't be. No way in hell that I surrender to him again. Tama na nagkamali ako kagabi.

Pinatapang ko ang mukha ko at diretso akong naglakad papunta sa pwesto nya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot. Sa halip ay tinitigan nya ako. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Napalitan din iyon ng lungkot at takot... Hindi ko maintindihan kung para saan yung mga emosyon na yun na galing sa mata nya.

Mukhang wala syang balak na sagutin ang tanong ko. Naiinip na tinignan ko sya. I raised my left brow pero hindi pa din sya nagsalita. Nakita kong huminga sya ng malalim..

"I-I'm sorry for what happened... last night," sabi ni David.

Tinitigan ko sya. Kitang kita ko ang sinseridad sa sinabi nya. Magkahalong pagsusumamo at galit ang nakita ko sa mga mata nya. Humakbang sya palapit sakin pero umatras ako. Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mata nya sa ginawa ko.

"S-sorry Athena... Nagkamali ako sa ginawa ko.."

Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi nya. Wala na ang galit na nakita ko sa mga mata nya. Magkahalong pagod, pagkabigo, guilt at sakit na lang ang natira. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa emosyong nakikita ko sa mga mata nya. I can barely see that he's really sincere but I feel like it's a slap to me. A slap of truth. Na pagkakamali lang yung nangyari sa'min. Na nadala lang sya sa panunukso ko kaya nya nagawa iyon. That's the right word for that, pagkakamali! Pagkakamali na ako mismo ang may kasalanan. Na ako mismo ang may kagagawan kung bakit humantong na naman kami sa ganong sitwasyon.

"It's okay. I understand," malamig kong sagot sa kanya.

Pinipilit kong patapangin ang sarili ko. But damn it! My chests hurts like hell. Kung yung nangyari sa'min ang iniisip nya, wala lang sa'kin iyon. Kailangan kong paniwalain ang sarili ko na wala lang iyon. Nadala lang tayo parehas sa nangyari. Parehas tayong nagpadala sa tukso.

"Athena..." pagod na pagod na sabi nya. "It's not like what you think."

Umiling iling ako sa kanya. What does he mean by that? Bakit ano ba dapat ang isipin ko?

"Alam mo ba kung gaano ako natakot kanina paggising ko na wala ka na sa tabi ko? I feel like I lost you again. I know, we're not in the good terms. But I'm trying my best to win you back. To win your heart again. Sorry kung nagpadala ko sa tukso kaya may nangyari sa'tin kagabi. Alam ko na magagalit ka but damn it! I missed you. I missed you so much. I miss your lips. Your touch. Your warm embrace. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. But I swear, wala akong pinagsisisihan. It's just that I'm sorry."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Punong puno ng lungkot ang mga mata nya. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses nya.

Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa kanya at ganon din sya sa'kin. Unti unti syang naglakad palapit sa'kin.

"Athena...." punong puno ng sakit ang mga mata nya.

I can't stand here seeing him like this. Parang gusto ko na lang na yakapin sya para mawala yung sakit na nararamdaman nya. Parang gusto ko na lang syang halikan para mapawi yung lungkot nya.

Hinawakan nya ang balikat ko pero hinawi ko ang kamay nya. Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nya. Walang salita na iniwan ko sya sa sala. Umakyat ako paitaas para bumalik sa kwarto ko.

I'm sorry too, David. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka. Pero mas hindi ko pa kaya ang muling masaktan. I don't think I can handle it now.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon