Chapter 14
Crizelle
Napagpasyahan kong bumalik na sa school. Dumiretso ako sa faculty at inayos ang mga gamit doon.
"Kamusta na ang papa mo Athena?" tanong ni Mrs. Pascua, ang co-teacher ko.
"Okay na po sya Ma'am. Medyo nakakarecover na after the therapy."
"Mabuti naman kung ganoon. May awa talaga ang Diyos."
Nginitian ko na lang sya. Pinagpapasalamat ko din na kakilala ko sya dahil isa sya sa mga tumulong sakin noon. Hindi man pinansyal pero malaki ang naging parte nya sakin sa pangispiritwal.
Kilala syang Pastora. Bukod sa pagtuturo ay nagpipreach din sya. Hindi man matatag ang pananampalataya ko kay Lord pero nagdadasal naman ako.
Matapos kong linisin ang table ko ay tinignan ko ang cellphone ko kung nagtext ba sakin si David. Pero wala akong nakita kaya ako na ang nagtext sa kanya.
I waited a minute for his reply pero wala din. Ala una ako nagtext sa kanya pero alas dos na ay wala pa rin syang reply. Naghintay pa din ako.
"Hija di ka pa uuwi?" tanong ni Mrs. Pascua habang inilalagay ang bag sa balikat nya.
Alas sais na ng gabi. Kaming dalawa na lang ang nasa faculty. Alas singko pa lang ay nagsialisan na ang iba naming kasama.
"Uuwi na po."
Mabigat ang dibdib ko ng naglakad ako patungo sa parking lot. I hate this feeling. Damn you David! Naiiyak ako sa inis na nararamdaman ko. Dapat hindi na lang pala ko umasa. Dapat hindi na lang ako naghintay.
Pagdating ko sa unit ay wala doon si David. Nahiga muna ako sa kama ko. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Shit! Usong uso ang promises are meant to be broken pero bakit naniwala pa din ako?
Tumulala ako sa kisame at pinag isipan kong mabuti yung mga nararamdaman ko nitong mga nakalipas na araw. Maging ang nararamdaman ko ngayon ay bago para sakin.
Why do I have this feeling na nasasaktan ako sa hindi nya pagtupad sa pangako nya? Ano bang tawag sa pakiramdam na ito?
Sa kaiisip ko ng kasagutan sa tanong ko na iyon ay napatili ako sa gulat ng mag ring ang cellphone ko.
Nakita kong si David ang tumatawag. Hindi ko sinagot iyon. Hinayaan ko na huminto sa pag ring ang cellphone ko. Pero muli iyong tumunog.
Ayoko sanang sagutin iyon dahil sa ginawa nya sakin kanina. But then, narealized ko na hindi ako pwedeng magtampo. We don't have a relationship. We're just in lust. And there's no way for me to act like a sulky girlfriend.
"Hello," sabi ko.
"Athena, it's me Russell, yung pinakilala sayo ni David sa office nya. Sorry ha pero nagkayayaan kasi kaming mag inuman eh medyo nasobrahan lang yung inom ni David kaya ito tulog na tulog sya."
"Ah ganon ba?" yun lang ang nasabi ko. Madaming tumatakbo ngayon sa isip ko. Bakit sya uminom gayong nagsabi sya sakin kanina na susunduin nya ako? May problema ba sya?
"Athena?" narinig kong tawag ni Russell sa kabilang linya.
"Ahm, yes, sige sunduin ko na lang sya. Nasaan ba kayo?"
"Actually, we're on the way."
"Okay. Ingat kayo." I ended the call.
Ilang minuto ang lumipas ay may narinig kong may nagdoor bell. Naglakad ako papunta sa pinto para tignan kung sino iyon.
