Chapter 51

17.1K 218 23
                                    

Chapter 51

Be Mine Again

Ayokong maramdaman nya na nagiging uneasy na ko sa presensya nya. Kaya mabilis kong inubos ang pagkain ko.

"Tapos ka na?" tanong ni daddy sakin ng ilapag ko sa gilid ng pinggan ang kutsara at tinidor.

Uminom ako ng tubig bago ko sya sinagot.

"Opo. Magpapahinga lang po ako sandali. May lakad po kasi kami nila Cassie mamaya. Gusto nyang magcelebrate kami."

Sinabi ko iyon ng hindi tumitingin kay David. Pero ramdam ko na nakatingin sya sakin. Naiilang ako pero hindi ko pinahalata.

"Ah oo. Nabanggit nga sa'kin ni David kanina. Sinabi nya sakin na sabay na daw kayong pupunta doon."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. Paglingon ko kay David ay nakangiti na syang nakatingin sa'kin.

"Ininvite ako ni Cassie. Nandito na lang din naman ako kaya sabay na tayong pumunta doon," he said and wink at me.

Naiinis na tinalikuran ko sya. Damn it! Mukhang mahihirapan ako na magpahard to get sa kanya kung ganito na palagi syang ganyan.

Sumandal ako sa likod ng pinto ng kwarto ko. Naupo ako sa sahig at pinatong ko ang mga kamay ko sa tuhod ko.

"I said I'm over him but I think I lied to myself. Because the moment I saw him, I realized I can't live without him."

Ginulo ko ang buhok ko. Damn that jerk! Ano bang ginawa nya sakin at nababaliw ako ng ganito sa kanya?

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Tumayo ako sa sahig para tignan kung sino iyon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ako sinagot ni David. Dire diretso syang naglakad papasok sa kwarto at nahiga sa kama.

"Ang kapal ng mukha mo ah! Pinapasok ba kita?"

Inis na nilapitan ko sya. Seryoso lang syang nakatingin sa'kin pero kitang kita ko ang aliw sa mga mata nya.

"Namiss kita."

Hindi ako nakakilos sa sinabi nya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at ramdam ko na nanlamig ang katawan ko.

Seryoso na ang mga mata nya. Too many emotions are there. Tinitigan ko iyon pero sandali lang dahil pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko sa klase ng tingin na ginagawad nya.

"A-as if I care." Pinilit kong patapangin ang boses ko pero nabigo ako.

Nakangisi na tinignan nya ako. Hinawakan nya ang kamay ko. Hinila nya ako paupo sa kama. Tumayo sya mula sa pagkakahiga doon at tumabi sa'kin.

Hindi sya nagsalita. Nakatitig lang sya sa'kin. Hindi nya pa binibitiwan ang kamay ko.

Kinakabahan ako. Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naririnig nya ba iyon. Pero sana hindi.

"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?" tanong nya sakin. Nilingon ko sya dahil dun. "Hawak ko nga ang kamay mo pero ramdam ko na ang layo na ng puso mo. Hindi na katulad ng dati na hinahawakan mo ko ng mahigpit. Hindi na katulad ng dati na.... hawak ko pa lang ang kamay mo nararamdaman ko na agad na ayaw mo kong mawala sa tabi mo."

Hindi ko makita ang mukha nya dahil bigla syang yumuko. Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi sa boses nya.

Nagulat ako ng biglang gumalaw ang balikat nya. Then, I heard him sobbed. Hindi ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan din ako para sa kanya. Gusto ko syang yakapin para maibsan yung sakit na nararamdaman nya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi pwedeng bumigay agad ako sa kanya. Hindi pwedeng magpadala agad ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. I wanted him to learned his lesson. Gusto kong malaman nya na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kung hindi mo naman sya naaalagaan ng tama at madalas mo pa syang saktan. Dadating talaga sa punto na mapapagod yan.

I saw pain registered on his eyes. I wanted to take them all away. But I can't. Dahil pag ginawa ko iyon, isa lang ang ibig sabihin nun. Isusuko ko uli ang puso ko sa kanya.

"H-hindi na tayo tulad ng dati. Tama ka nga sa sinabi mo sa'kin nun. Nothing is permanent in this world. Not even the feelings of people. Now, I understand why you are afraid before. Nakakatakot naman pala kasi talaga na dumating yung araw na yung taong mahal na mahal ka noon biglang magbago pagdating ng panahon."

Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata nya. May mga butil ng luha ang kumawala doon. Mabilis nya iyong pinunasan at nakangiting tumitig sa'kin.

"Naalala mo pa pala yun. Pero pinanghawakan ko yung sinabi mo na hinding hindi ka magbabago. Kaya lang tanga ako. Huli ng marealized ko na hindi pala kita napahalagahan ng tama. Kasalanan ko ang lahat ng ito. It'a all my fault my you've changed."

Kumikislap ang gilid ng mata nya. He's trying to suppress his tears. Alam na alam ko yun dahil dati ko ding ginagawa yun. Seeing him like that makes me wanted to kiss him. Pero hindi pwede!

"Hindi ako nagbago, natuto lang ako. Narealized ko din na hindi pala pwede na pilitin mo na mahalin ka ng isang tao. Kasi kapag pinilit mo, masasaktan ka lang."

"I can't blame you for leaving me. Because I know I didn't give you a reason to stay. I'm blaming myself for what happened to us and to our.... baby."

The last word I heard from him gives me an unexplainable pain. Masakit pa din pala kapag naaalal ko na naiwala ko sya.

"Please, d-don't mention it!" Nanghihinang pakiusap ko sa kanya.

Nakita ko ang sakit na rumehistro sa mga mata nya. At alam kong ganon din ang nakikita nya sakin.

"Kung wala ka ng sasabihin lumabas ka na lang," sabi ko at tinalikuran ko sya.

Hindi ko alam kung saan ko pa kinuha ang lakas ko na maglakad papunta sa terrace sa kwarto ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.

"Please, Athena!" Nagulat ako ng sumunod sakin si David. "Be mine again."

Tinitigan ko sya. I can read his eyes. Kitang kita ko na doon ang yung nararamdaman nya. It was a mixture of love, hope, regret and pain.

Hindi ako nakasagot. Tinitimbang ko pa ang sarili ko. Nasasaktan pa ko sa nangyari sa anak namin. Parang hindi ko pa kaya.

"Hindi mo kailangan sumagot. Gusto ko lang malaman mo na gusto ko uli na maging akin ka. Kahit anong paraan gagawin ko basta bumalik ka lang uli sa'kin."

Pagkasabi nya nun ay tinalikuran na nya ako. Pinagmasdan ko ang malapad nyang balikat hanggang sa makalabas sya ng kwarto.

Seryoso nga sya. He really wants to get me back to his life. What will I do? Should I let him in again?

Napakadaming what if's sa isip ko. Alam ko na hindi ko masasagot yun kung hindi ko susubukan.

Be mine again. Ang sarap sana pakinggan. Pero sa tingin ko parang mali. Hindi ata tama na maging sa kanya ko basta basta ng hindi sya nahihirapan. Sobrang sakit at paghihirap ang naranasan ko sa kanya noon. Sa tingin ko dapat sya naman ang mahirapan ngayon.

So David, if you really want me to be yours again. You need to deal with my conditions.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon