Chapter 24

16.8K 212 1
                                    

Chapter 24

Mom

"Where are you going?" tanong ni David ng makita nya kong lumabas sa kwarto.

Tinignan ko sya. Hindi sya nakasuot ng corporate attire nya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Wala ba syang pasok?

"Kay mama. Birthday kasi nya," matipid kong sagot sa kanya.

Nginitian ko sya.

Masakit ang ulo ko. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi nya. Pinag isipan ko ang lahat ng iyon.

At oo, tama sya. We don't need to rush things. All I can do now, is to wait and take things slow. Ayoko din namang magpadalos dalos sa emosyon ko.

"Can I go with you? I want to meet her."

Nagulat ako sa sinabi nya. Then, I realized he doesn't know where my mother is. Tumango na lang ako sa kanya.

Tumayo agad sya. Sinabayan nya ako sa paglakad ng tinungo ko na ang pinto. Simple lang ang suot ko. I was wearing a simple and plain navy blue dress.

Samantalang si David naman ay nakasuot ng gray pants at white v-neck shirt.

Nasa byahe na kami ng pakiusapan ko siya na huminto kami sa isang flower shop. Binili ko ang paboritong bulaklak ni mommy. Red roses.

Pagbalik namin sa sasakyan ay kinwento ko na sa kanya yung tungkol sa mommy ko. Besides, sa tingin ko ay kailangan nyang malaman iyon.

Di ba dapat may alam kami tungkol sa isa't isa?

"She was died, six years ago. Kasama sya sa nabaril ng mga holdaper sa bangko na pinuntahan nya nun."

Hindi sya nagsalita. Nilingon ko sya. Nakita kong diretso ang tingin nya sa daan. Sa ganitong sitwasyon, hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguan kaya pinili kong tumahimik na lang din.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Nakita ko doon na may text si Nurse Anna.

Nurse Anna:

Hija sabi ng papa mo sa sementeryo ka na lang daw dumiretso. Nandito na kami.

I replied at her. Sinabi kong kasama ko si David at on the way na kami.

Mabilis naming narating ang sementeryo. Habang pinapasok ni David ang sasakyan nya sa loob ay bumalik sa alaala ko yung araw na hinatid namin si mommy dito. Nakaramdam ako ng lungkot. Naalala ko na naman yung sakit. Akala ko okay na ako, pero nagkamali ako.

Nakita kong nakatingin si David sa akin. Pinilit kong ngitian sya kahit na nasasaktan ang puso ko.

"You know, if you hurt it's okay to show it. Mas nababawasan ang sakit na nararamdaman ng tao kapag shineshare nya ito."

I smiled at him. Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon.

Sinabi ko sa kanya kung saan nakapwesto ang puntod ni Mommy. Pagkatapos nyang ipark ang kotse nya ay bumaba na kami.

Natanaw ko na si Daddy na nasa harap ng punto ni mommy. Humalik ako sa pisngi nya ng makarating kami sa kanya. Nilapag ko ang bulaklak na dala ko.

"O hijo nandyan ka pala," sabi ni daddy.

"Good morning po," aniya.

Tumango si Daddy.

Hinarap ko ang puntod ni mommy. Bumalik na naman sa isip ko ang alaala naming dalawa.

I was the only child. Masasabi ko na ang swerte ko dahil sila ang magulang ko. Naramdaman ko sa kanila na talagang mahal na mahal nila ako kung kaya nakuntento ako doon.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon