Chapter 57
Free
Nagpasya ko na pumunta na lang sa reception ng binyag ni baby Hyacinth. Kapag umuwi ako sa condo ko wala akong ibang gagawin dun kundi ang mag isip. Ayokong mabaliw kakaisip sa sitwasyon ko.
Mabilis akong nakarating sa Skye Garden, ang reception sa binyag ng anak ni Lance.
Tinignan ko ang sarili ko sa rearview mirror ng kotse ko. Nilabas ko ang face powder ko at nagpahid ng kaunti sa mukha ko. Pinahidan ko ng lipstick ang labi ko. Sinuklay ko ng daliri ko ang hanggang balikat ko na buhok. Muli kong sinipat ang mukha ko sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba sa kotse.
Naglakad ako ng kaunti papasok sa Skye Garden. Pagpasok ko sa garden ng restaurant ay natanaw ko ang ilang mga bisita nila Lance na nakatabi ko kanina sa simbahan. Nginitian ko ang iba sa kanila.
Natanaw ko agad si Lance. Kinaway ko ang kaliwang kamay ko sa kanya para makita nya ako. Ngumiti ako sa kanya pero hindi sya ngumiti pabalik sakin. Madilim ang mukha nya na lumapit sa'kin.
"Let's go." Nagulat ako ng hilahin nya ako. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero papalayo na kami sa ilang mga bisita.
"Lance, nasasaktan ako," sabi ko sa kanya. Pahigpit ng pahigpit ang hawak nya sa pulsuhan ko. Hindi ko alam kung bakit umaakto sya ng ganito. Ang weird. But I felt something wrong. I know hindi sya magkakaganito kung walang nangyayari.
Humarap ako sa kanya. May hinala na ko sa dahilan kung bakit sya nagkakaganito but I wanted to confirm it. I wanted to hear from him that my instinct is wrong.
"Is it about David?"
Nakita kong nagulat sya sa tanong ko. Napasinghap ako ng hindi sya sumagot. Hindi ko na pinansin ang pagkirot ng puso ko. Gusto ko pang malaman ang iba pang detalye. Nasasaktan na lang din ako, lulubusin ko na. Para kapag dumating ako sa puntong hindi ko na talaga kaya, hihintayin ko na ang puso ko na ang sumuko kapag sobrang pagod na ko talaga.
"Damn it!"
Nagulat ako sa malutong na pagmumura nya. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
"Close your eyes, Athena!" pasigaw na utos nya.
Hindi ko sya sinunod. Inalis ko yung pagkakayakap nya sa'kin. Tumalikod ako para tignan ang paligid ko.
Pakiramdam ko naestatwa ko sa kinatatayuan ko. Seeing them together hurts me to death. It really breaks my heart watching them happy together.
Hindi pa kami gaanong nakakalayo ni Lance sa mga bisita. Kitang kita ko sa pwesto namin na nakangiti si Crizelle kay David. They look happy together.
Mabilis na naglandas ang mga luha sa mata ko. Literal na nararamdaman ko na parang tinutusok ang puso ko. Fuck it! It hurts like hell. Halu halong emosyon na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko parang naulit na naman kami sa dati. Ako na naman ang nasasaktan. Ako na naman ang luhaan.
Nagawi sa pwesto namin si David. Kitang kita ko sa mga mata ang pagkabigla nya. Napalitan agad iyon ng takot, awa at guilt na hindi ko alam kung para saan. Hindi na ko nag abala pa na punasan ang mga luha ko. Hinayaan ko lang sila na tumulo mula sa mata ko.
"Let's go, Athena." Hinila ako ni Lance ng makita nyang papalapit sa'min si David.
"Athena!.." narinig kong sigaw ni David.
Nilingon ko sya. Nakita kong tumatakbo na sya palapit samin. Ilang dipa na lang ang pagitan namin ng muli akong hilahin ni Lance.
"Wag kang makalapit lapit sa kanya David!" matapang na sabi ni Lance. Punong puno ng galit ang mga mata nya na nakatingin kay David.
