Chapter 37

14.3K 226 6
                                    

Chapter 37

Too Much

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako. Tumayo ako sa kama ng makita kong alas dos pasado na.

Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto pero hindi ko nakita si David.

"Hindi pa din sya bumabalik," sabi ko sa sarili ko.

Matamlay na bumangon ako sa kama. Pumasok ako sa banyo para maglinis ng katawan.

Paglabas ko ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko iyon ay nakita kong tumatawag si Cassie.

"Hello," narinig kong sabi nya sa kabilang linya.

"Hi, Cassie. Bakit?"

"Sa lobby na lang tayo magkita ah. Nakapag ayos na ko. Tinatawagan ko pa si Aubrey," sabi nya.

Kinuha ko iyong damit na inihanda ko kagabi.

"Sige."

Pagkatapos kong tapusin ang tawag ay nagbihis na ako. Napatingin ako sa orasan.

"Nasaan na ba yun?"

Kinuha ko ang cellphone ko. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si David.

Magkasama pa din ba sila? Anong ginawa nila? Madaming tumatakbo sa isip ko. Kung anu ano ang naiisip ko.

Sa huli ay napagdesisyunan ko na tawagan sya. Habang nagriring ay biglang umahon ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan ang kaba na iyon.

Nakailang ring pa bago nya iyon sinagot.

"Hello?"

Napakunot noo ako sa boses na narinig ko. Sari saring emosyon ang naramdaman ko ng maulinigan ko kung kanino iyon.

"S-si David?"

I heard her chuckled.

"He's lying next to me. He is still sleeping. Napagod eh," huminto ito sandali sa pagsasalita at bahagyang tumawa.

"Hindi na sya makakasabay sa inyo kaya wag nyo na syang hintayin."

Tinapos ko na ang tawag. Ibinaba ko ang nanginginig kong mga kamay. Damn! What is this? Bakit hanggang ngayon magkasama sila?

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Sari saring emosyon ang nasa dibdib ko. It was a mixture of betrayal, anger, pain and shame. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ni David.

Bakit kailangan nya pang sabihin sakin na maghintay ako kung si Crizelle naman pala ang mahal nya? Ano ba talaga ko sa kanya?

Assuming lang ba ko na may nararamdaman din sya? Kung ganoon, kasalanan ko pala. Nag assume ako na dadating yung araw na mamahalin nya din ako.

Nanliliit ako sa sarili ko. Hindi ko alam na aabot punto na to. Na mapupunta ko sa sitwasyon na to.

All I want is him. I want his love, not just his lust. I want to commit myself to him, not a one night stand. I want to be viewed as privilege, not an option. Is this too much to ask to him?

Masyado bang mahirap ang hinihiling ko na mahalin nya ako? Hindi ko naman sya pinipilit. Sinabi ko naman na maghihintay ako. Pero sana sinabi nya agad na wag na akong maghintay para hindi na ko umasa at masaktan.

Tumunog uli cellphone ko. Nakita kong si Cassie ang tumatawag. Inignore ko iyon.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Sumisikip ang dibdib ko.

"Damn! I'm so pathetic."

Awang awa ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ginamit nya lang ako. Bakit ba kasi ko umasa sa kanya?

Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagtungo ako sa harap ng salamin at inayos ang mukha ko.

Naglagay ako ng konting powder at lipstick. Tinakpan ko din ang eyebag ko gamit ang concealer. Ayokong makita nila ko na ganito.

Nang makuntento ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang bag at mga gamit ko. Isinabay ko na din ang kay David.

Pagbaba ko sa lobby ng hotel ay kumpleto na sila doon.

"Si David?" tanong ni Vincent at tumingin pa sa likuran ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Naalala ko yung boses ni Crizelle kanina ng sagutin nya ang tawag ko.

Ngumiti muna ako sa kanila ng makita kong naghihintay sila sa sagot ko.

"N-nauna na. May aasikasuhing importante."

Tumango tango sila Cassie pero hindi si Vincent. Nakita kong tinitigan nya ako diretso sa mga mata ko.

Nailang ako sa ginawa nya. Para bang binabasa nya ang mga mata ko at hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

"Tara na," aya ko kila Cassie.

Ikinawit ko ang braso ko sa kanya. Habang bitbit ko sa kaliwang kamay ang bag namin ni David.

"Ako na magdadala nyan," sabi ni Vincent.

Tumingin si Cassie sa kanya. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang tensyon na namuo sa kanila.

"Ako na, kaya ko naman." Nginitian ko sila at nauna ng maglakad.

I don't what's the real score between them. Hangga't maaari ayokong makisawsaw sa kanila.

Pagsakay namin sa private plane ni Vincent ay pumwesto ako sa likuran. Isinuot ko ang earphone ko.

Gusto kong matulog. Gusto kong magpahinga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Nakita kong nakatulog din agad si Aubrey. Si Cassie naman ay nakikipagbangayan kay Vincent.

Nang mapalingon sya sakin ay nagpeace sign sya kaya nginitian ko sya.

Huminga ako ng malalim. Tinitigan ko ang cellphone ko. Pinalitan ko kahapon ang wallpaper ko ng picture naming dalawa ni David.

I smiled bitterly. Nasasaktan kong tinitigan ang mukha nya sa picture na iyon. He was smiling na malipit nyang gawin. Pero kahit na hindi sya palangiti ang pogi nya pa din.

Napailing ako sa sarili ko. Naramdaman ko na nag init ang gilid ng mga mata ko. I tried my best to suppress my tears but I failed. Hindi ko na napigilan ang pagtulo nun mula sa mga mata ko.

Mabilis ko iyong pinunasan. Ayokong mapansin iyon nila Cassie.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Pero hindi pa din humihinto sa paglabas ang mga luha ko.

Damn, this tears! It hurts like hell. Ang sakit pala umiyak ng tahimik. Kahit na gusto kong ipakita na nasasaktan ako hindi pwede dahil magmumukha lang akong tanga. Iniiyakan ko yung lalaking hindi naman ako mahal.

Gusto ko syang sumbatan. Gusto kong isampal sa kanya ang salitang paasa. But then, on the second thought naisip ko na wala nga pala kong karapatan. I don't even know what is our real status. I said to him 'I love you' a lot but he didnt response.

Sinabi nyang gusto nya ko, pero sapat na ba yun? Sapat na ba yun para panghawakan ko na mamahalin nya din ako?

Damn, David! Ang hirap mo ispellengin. Bakit ba hindi mo na lang ako direktahin?

This is too much! I think I can't handle this pain anymore. I tried myself to be strong. Gusto kong hintayin yung araw na mamahalin mo din ako, pero tao lang ako. Nasasaktan din ako at pagod na ko.

All the pain I've felt is too much. So, I think I need to stop this. Napapasaya mo nga ako pero sobra sobra naman yung sakit na dinudulot mo.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon