Chapter 1

51K 618 13
                                        

Chapter 1

My Rule

"Good morning Ma'am" bati ng guard sa akin ng dumaan ako sa harap nya papasok sa loob ng Imperial Kingdom, ang gusaling pag aari ni David.

Tinanguan ko sya at dire diretso akong naglakad papunta sa lobby. Hindi na ako hinarang doon ng dalawa pang security na nagchecheck sa bawat tao na pumapasok sa building dahil kilala naman na nila ako.

Sa bawat paghakbang ko ay ramdam ko ang pagsunod ng tingin ng bawat empleyado na nandoon.

Two weeks ago when I found out the real thing about the papers that David asked me to signed. Noong una, ang buong akala ko ay waiver iyon na naglalaman ng kasunduan sa pagitan ko at ng mga doktor na kahit anuman ang mangyari sa opersayon ay walang pananagutan ang ospital doon. I was preoccupied during that time na halos hindi ko na magawang basahin kung ano nga ba ang kabuuan nun.

Habang hinihintay ko na magdown ang elevator ay hindi ko maiwasang hindi igala ang tingin ko sa kabuuan ng ground floor. David is a damn freaking billionaire. Anim ang elevator ng twenty seven storey building ng kompanya nya. Mababakas sa bawat muwebles ng gusali na iyon ang tagumpay at yaman na meron sya. Hindi biro ang halaga ng tiles na inaapakan ko maging ang mga nakadikit sa dingding.

Sa pagmamasid ko sa kabuuan ng ground floor hindi ko maiwasan ang hindi magtaas ng kilay sa mga empleyado na palihim na nagbubulungan habang nakatingin sa akin. I'm not that dumb not to feel that they are talking about me. Imbes na makaramdam ako ng inis sa kanila, I manage to give them my sweetest smile. My own version of bitch smile!

Pagkabukas nang pagkabukas ng elevator ay mabilis akong pumasok doon. I press the twenty fourth button kung saan nandoon ang opisina ni David. Pumwesto ako sa likuran para hindi ako madaanan mamaya ng mga maunang lumabas.

When the elevator stopped at the third floor may dalawang babae na sa tantiya ko ay hindi nalalayo sa edad ko. I admit, they are both beautiful. Lahat ata ng bata pang empleyadong babae sa kompanya na to ay puro magaganda. I wonder if it one of David's requirement para makapagtrabaho dito.

I looke at them. The girl one, has a chinita eyes and slim body. She's wearing a black fitted dress na talagang bakat ang korte ng katawan nya. Habang ang isa naman ay nakablack skirt with a terno of white sleeveless turtle neck. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nya.

"Goodmorning ma'am," bati nila sakin.

I just arched my brow to them. And using my pheripheral view, I saw the chinita girl murmured something to her friend. Hindi ko na lang sila pinansin.

Since David publicly dating me,  everyone assumed that I am his girlfriend. Partly, it is true. Pero hindi ko lang matanggap na parati na lang akong laman ng usapan sa kompanya nya. Some people says, na pera lang ang habol ko sa kanya which is partly true because he paid my father's hospital bill. While the others conclude that I am of his flavor of the month. Hindi ko sila masisisi. David is such a handsome guy. Natural lang na sa isang gwapo at mayamang katulad nya, maganda at mayaman din dapat ang maging girlfriend nya.

Isa isa ng naubos ang sakay ng elevator hanggang sa ako na lang ang natira. Kung kaya dire-diretso na itong pumaitaas hanggang sa huminto sa twenty fourth floor.

Paglabas ko sa elevator ay bumungad sa akin ang napakalaking glass door na opisina ni David. Pagkabukas ko noon ay bumungad sa akin si Audrey, his secretary.

"Good morning Ma'am. Nasa loob po si Sir," sabi nya sakin ng makita ako.

"May ginagawa ba sya?"

"May mga pinipirmahan lang po."

Hindi ko na sya sinagot.

Naglakad  ako papunta sa dulo ng kwarto kung saan nandoon ang kulay mahogany na pinto ng kanyang pinaka kwarto. Pagpasok ko ay nadatnan ko si David na may hawak na mga papeles. Hindi agad ako nakapagsalita dahil bigla kong nakalimutan ang dahilan kung bakit ko nga ba sya pinuntahan.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon