Chapter 38
Scared
"Athena, gising na. Nandito na tayo."
Naalimpungatan ako sa tumatapik sakin. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko iyon tuluyang minulat.
Nakita ko na nasa tabi ko si Cassie.
"Kanina pa ba naglanding?" tanong ko sa kanya.
Umayos ako ng upo. Inunat ko ang mga kamay ko at biniling biling ang ulo ko.
"Halos kalalanding lang," sagot nya.
Tumango ako. Inayos ko ang sarili ko. Tinignan ko ang cellphone ko, I was hoping that I received a texts from him pero nabigo ako. Pinatay ko ang cellphone ko.
Damn! Bakit ba kahit na nasasaktan na ko may parte pa din sa puso ko ang umaasa?
Nakababa na silang lahat kaya bumaba na din ako.
"Hay, back to work na naman," narinig kong sabi ni Cassie.
Nilingon ko si Aubrey. Inaalalayan sya ni Russell dahil mukhang inaantok pa.
"Athena, samin ka na sumabay ni Cassie" alok ni Vincent.
Tinignan ko si Cassie. Ngumiti ako sa kanila at umiling.
"Magtataxi na lang ako," sabi ko.
Nakita ko ang pagprotesta sa mukha ni Vincent kaya inunahan ko na sya.
"Cass, tulungan mo nga ako pumara ng taxi."
"Mauna na kami," paalam ni Russell.
Tumango ako sa kanila. Tumabi ako kay Cassie at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya habang naglalakad kami.
"Okay ka lang?" tanong nya sakin.
Tinanong ko din ang sarili ko. Okay lang ba ko? Siguro. And I need to be. Hindi pwedeng ganito.
Tumango ako sa kanya. "Pagod lang ako."
Hindi ko na sya narinig pang magsalita. Tahimik lang din na nakasunod samin si Vincent.
Mabilis kaming nakapara ng taxi. Si Vincent na ang naglagay sa compartment ng mga bag ko.
"Salamat. Ingat kayo ah," sabi ko kay Cassie.
I waved my hand to her. Nang umalis na ang taxi sa harap nila ay nakita kong sumakay na din sila ni Vincent sa kotse nito.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung saan ako uuwi. Pero sa huli naisip kong tumuloy sa condo.
I need to talk to David. Ayokong magpasya ng hindi ko sya nakakausap.
Mabilis akong nakarating doon. Pagkatapos kong magbayad sa driver ay bumaba na ako.
"Salamat po," sabi ko ng tulungan nya kong bitbitin ang mga bag ko.
Kinakabahan akong pumasok sa unit ni David. Hindi ko alam kung uuwi ba sya ngayon. Siguro hindi. Maybe he's enjoying Crizelle's company.
Nasaktan ako sa naisip kong iyon. There is a possibility na magkaroon sila ng intimate moments. Hindi maiiwasan iyon lalong lalo na kung si David ang kasama nya.
Pagod na pagod kong binagsak ang katawan ko sa kama. Pinag iisipan kong mabuti lahat ng posibleng mangyari.
Kung nagkabalikan na nga silang dalawa, that means our contract will be forfeited. Wala ng kami. At walang magiging kami.
Bumibigat na ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na tuluyan na kong tinangay ng antok.
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko. Hindi ko agad idinilat ang mga mata ko dahil ang sarap sa pakiramdam noon.
