Chapter 64

13.9K 180 8
                                        

Chapter 64

Explain

Umuwi ako sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si daddy. Pero mabuti na din na hindi ko sya nakita dahil ayokong makita nya ang namumugto kong mata.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong lang doon. I want to hold back my tears. Alam ko sa sarili ko na hindi ko iniiyakan yung nakita kong pagyayakapan nila. Well, partly medyo nasaktan ako sa parteng iyon. But what hurts me the most is seeing her. Seeing Crizelle.

Okay na kami ni David. I able to trust him again. Tinanggap ko yung mga nagawa nya. Pero hindi ko pa pala natatanggap yung nagawa ni Crizelle. I know hindi nya iyon sinasadyan but a part of me blaming her for what happened. Kung hindi sana sya naging agresibo.

Inoff ko ang phone ko. Nakakailang tawag na si David at ayoko muna syang makausap. Hindi ko alam kung ilang oras akong tumunganga sa kwarto ko. Nagugutom na ako pero tinatamad akong bumaba. Maya maya nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"Athena?" boses ni Daddy. Tumayo ako para pagbuksan sya.

"Tara kumain na. Nasa baba si David hinahanap ka."

Hindi ako sumagot pero sumunod ako sa kanya ng mag umpisa na syang maglakad papunta sa hagdan.

"Nag away na naman ba kayo?"

Umiling ako.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling uli ako. Tinatamad akong magsalita. Gusto ko lang kumain.

Pagdating namin sa sala ay nandoon nga si David. Tumayo sya na makita ako. Inabot nya din sakin iyong isang bouquet ng roses. Tinanggap ko iyon dahil ayokong makahalata si daddy na hindi kami okay.

Dumiretso kami sa hapag kainan. Nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila ni daddy.

"Kailan nyo ba balak magpakasal?" tanong nito kay David at tumingin sakin.

"Hindi pa po namin napag uusapan ni Athena, Tito. But I want to marry her as soon as possible."

"Aba dapat lang. Gusto ko ng magkaapo."

Sabay silang natawa sa sinabi ni daddy. Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta ako na maghugas ng pinggan.

Nagpunta sila sa sala at doon pinagpatuloy ang pag uusap tungkol sa kasal. It seems that my father is too excited for my wedding.

Pagtapos kong maghugas ng mga pinggan ay umakyat na ko sa kwarto. Hindi ko sila pinansin ng tawagin nila ako.

Hindi ko pa naisasara ang pinto ng kwarto ko ay nakita ko ng nakasunod sakin si David.

"Athena, please listen to me. Kausapin mo naman ako," pakiusap nya.

Hindi ko sya pinansin. Tuloy tuloy akong naglakad papunta sa kama ko at naupo doon.

"Athena naman. Alam mong ikaw na ang mahal ko. Yung nakita mo kanina mali iyon. Hindi ko naman sya niyakap.. Di ba nakita mo? Sya yung nakayakap sakin kanina. Sya yung nag initiate nun. I am trying my best to pull her pero ayaw nya kong bitawan..."

Tumayo ako sa kama at lumapit sa cabinet kung saan nakalagay ang mga teddy bears na iniwan nya noong wala ako.

Sumunod din sya sakin doon. Sinubukan nyang hawakan ang kamay ko pero nagpumiglas ako.

"Sasabihin ko naman sayo yung nangyari kanina. Di ba nangako ako sayo? No more secrets and lies.. Princess."

Naalala ko na sinabi nya iyon kagabi. Hindi ko sya pinansin. Sinubukan nyang yakapin ako pero umiwas ako.

"Athena! Please... you damn listen or I'll make love to you?"

"Okay, fine! I will listen to you. J-just stay away from me."

Baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at yakapin ko na lang sya at ipaubaya ko ang sarili ko. I want to hear from him what exactly happened. May mga gusto din akong itanong sa kanya. At hindi ko iyon magagawa kung ganitong malapit sya sakin.

"Talagang pinapunta ko sya sa office ko. I want to talk to her. Alam kong nakita mo kami nung binyag ni baby Hyacinth. Talagang isinama ko sya doon dahil gusto kong kausapin ka nya. Pero nung lalapitan na kita para sana kausapin ka nakita kitang umiiyak. I want to kill myself that time. Damn it! How jerk I am. Nasaktan na naman kita. Wala man akong nagawa nung umiyak ka sa harap ko. I feel so sorry and guilty sa lahat ng sakit na dinulot ko sayo.. namin ni Crizelle. That is why I want her to say sorry to you sa mga maling sinabi nya sayo. Sa pananakit nya sayo.. at sa pagkawala ng baby natin. Kung sa'kin lang ayoko na talaga syang makita pa. Hindi ko matagalan titigan ang mukha nya dahil alam kong sya yung dahilan kung bakit namatay yung anak ko. Walang ibang kahulugan yung pagkikita namin, Athena. Please maniwala ka. Kanina yung nakita mo na niyayakap nya ko.. She was begging for me. She wants me back. I explain to her that I didn't love her anymore. Matagal ng nawala yung pagmamahal ko sa kanya. Ikaw na yung mahal ko at walang sinumang babae ang makakahigit sayo dito sa puso ko."

Nanghina ako sa mga sinabi nya. Ramdam ko ang sinseridad sa boses nya. I can see how sincere he is. I was clearly see how sorry he is...

Hindi ko alam kung anong sasabihin. All I can do is cry. I'm crying again infront of him. Lumapit sya sakin at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata ko.

"I'm sorry, baby. I promised to myself I won't ever break your trust again. I know how it feels to be betray, hinding hindi ko gagawin yun sa'yo. Hindi kita niloloko at lalong hindi kita lolokohin. Tama na yung isang beses akong naging tanga nung hinayaan ko na mawala ka. This time, hinding hindi na ko papayag na mawala ka pa. Kahit anong mangyari hindi hahayaan na mawala ka. Hindi ako gagawa ng paraan para iwan mo ako."

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko. Basa na ang mata nya ng luha nya.

Damn it! KING DAVID IMPERIAL IS CRYING WHILE KNEELING IN FRONT OF ME. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Please, Athena... Wag mo sana kong pag isipan ng iba. Ginagawa ko iyon para sa'yo. Gusto ko lang guminhawa yung pakiramdam mo. Akala ko kasi kapag humingi sya ng sorry sayo baka sakaling mabawasan yung sakit na nadulot nya sayo."

Tuluyan na kong naiyak sa ginawa nya. Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

"K-kung ayaw mo syang makausap, sige okay lang. Pero maniwala ka, Athena yun lang talaga yung dahilan kung bakit ako nakikipagkita sa kanya."

"N-no, David. I trust you, okay. Tumayo ka na dyan. Naniniwala ako sayo. Alam kong mahal mo ako. Pero sana hindi mo na ginawa iyon. Dahil hindi pinipilit ang paghingi ng tawad. Kung alam nya sa sarili nya na may pagkakamali sya kusa syang lalapit sakin para humingi ng kapatawaran. Besides, hindi ko din sya patatawarin knowing that she only ask for my forgiveness because you said her to do it."

"Hindi ko na gagawin yun.. I'm sorry, Athena.. I love you."

Niyakap nya ako ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko sa kanya.

Nang tumayo kami ay hinalikan nya ako. A deep kisses. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya.

I really love this guy... Hindi ko alam na ganito pala sya kasarap magmahal. Wala akong pinagsisisihan na minahal ko sya. Na nasaktan ako dahil sa kanya. Kung ang kapalit naman lahat ng sakit ay ganito. I think, all the pain are worth.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon