:: isasayaw kita

28 3 0
                                    


Nais kitang isayaw nang mabagal, habang sumasabay sa musika na likha ng ating mga puso

Hawak ang iyong palad, paiikutin ka at sasaluhin baywang mo ng aking mga braso

Alisin ang pangamba, 'pagkat kakapitan kita at hindi hahayaang bumitiw sa'yo

Hanggang sa pagtanda, ikaw pa rin ang nais isayaw sa kahuli-hulihan ng aking pulso.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon