:: dulo

14 2 0
                                    

Bakit kailangan puso'y masaktan?
Hindi na ba maaaring pagbigyan
Muli ang mga puso nating sugatan?

Bakit hindi man lang tayo lumaban?
No'ng mga panahong pinanghihinaan
Nandito ako bilang iyong pahingahan.

Ngunit mas pinili mo akong bitiwan
Tumakbo ka palayo sa kung saan
Tila ako'y isang agila na nabalian
Pakpak ay naglaho nang dahan-dahan.

Ngayo'y narito sa tabi, ika'y luhaan
Ang pag-alis mo'y iyong pinagsisihan
Patawad, ngunit wala ka ng babalikan
Ito na ang dulo ng ating walang hanggan.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon