Mahal, bitiw na
Kung nasasaktan
Na nang sobra
Kung palagian
Na lang ang pagluha.Mahal, bitiw na
Kung nanlalamig
Usapan nating dal'wa
At nawala na
Init ng pag-ibig.Mahal, bitiw na
Kung nasasakal
At nagsasawa na
Kapit ay luwagan
Ika'y 'di nasasakdal.Mahal, bitiw na
Kung napapagod
Na magtiwala at maniwala
Sa kasinungalingang
Sunud-sunod.Mahal, bitiw na
Kung atin pang ipipilit
Mas lalo lang lalabo
Mas lalo lang gugulo
At mas lalo lang sasakit.Mahal, bitiw na
Kung ako'y lilisan
Dadalhin ko naman
Damdamin sa'yo
Ngunit, ako'y iyong kalimutan.Mahal, bitiw na
Pagkat 'di na tama
Ika'y manatili pa
Sa katulad ko na
Sa'yo ay 'di nakatadhana.Mahal, bitiw na
Sumuko ka na
Huwag ng tumaya
Palalayain na kita
Kahit mahal pa rin kita.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poesía"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...