:: kahit pa, kahit na

18 2 0
                                    

Mawalan man ng
tala ang langit
O ng buwan
na nakakaakit,

Iibigin pa rin
kita kahit
Maputi na ang
buhok at papangit.

Matuyo man ang
tubig sa dagat
At naglaho na
lasa na maalat,

Manatili pa rin
sa'yo na matapat
Sa kabila ng
kulubot sa balat.

Magunaw man
itong ating mundo
At maging mga
matitigas na yelo,

Magkarayuma ma't
kay hirap na yumuko
Mamahalin ka ng
puso at hindi susuko.

Maubusan man ako
ng pera at salapi
Kahit pa ng mga
ngipin at mabungi,

Palagi kitang pipiliin
nang may ngiti
At hahagkan
nitong aking labi.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon