:: tila'y itila

14 2 0
                                    

Tila ba hindi na tulad ng dati
Nakapaskil na ngiti sa mga labi
Hindi na kasingkulay ng bahaghari
Wala ng sigla sa bibig na namumutawi.

Tila humupa na rin ang init
Ang tamis napalitan na ng pait
Naglaho pati tinginang malalagkit
Marami ng duda at mga tanong kung bakit.

Tila malabo na ang walang hanggan
Binuong pangarap, 'di na makakamtan
Mga kamay tuluyan nang binitiwan
Baon na sa limot ang dating tagpuan.

Mahal, ito ang mga ayaw kong mangyari
Mapunta ang pag-ibig natin sa 'di maaari
Nais lang na ika'y matagal pang manatili
Dito ka lang palagi sa aking tabi.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon