:: mahal kita

21 3 0
                                    

Mahal, sakali mang lilisan
Iyo lamang pakatatandaan
Puso ko at isipan
Ikaw lang ang laman.

Kalimutan ka'y hindi makakaya
Hindi ko magagawa, Aking Sinta
Pangako, mananatili ka
Buhay sa aking alaala.

Sa isipa'y iyong itatak
Habang ula'y pumapatak
Nakikinig ako sa tono ng mga bagsak
Sa kabila ng mga luhang dumadanak.

Kung nalulumbay
Ika'y sumabay
Sa mga musikang inalay
Ngiti'y h'wag iwalay.

Tumingin ka lang sa langit
Mga mata'y iyong ipikit
Iyong palad sa dibdib idikit
Damhin mong sa'yo lang ay malapit.

Pinakamaliwanag na bituin
Sa kaniya lang itutok ang tingin
Pagkat naroroon din ang mga tingin
Tahimik na sinasambit mga mithiin.

Sa gabing ika'y nilalamigan
Mag-isa sa hinihigaan
Yayakapin kita nang dahan-dahan
Sa aking panaginip, Aking Paraluman.

Sa'n man tayo liliparin ng hangin
O agos ng buhay dadalhin
Tadhana na ang bahala sa atin
Ang puso ko, patuloy kang iibigin.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon