:: isusulat pa rin

16 2 0
                                    

Hindi ako mapapagod
na sulatan ka, Sinta
'pagkat ang mahalin ka
ay hindi nakakasawa.

Maubusan man ako ng
salitang paglalarawan sa'yo,

ngunit ang pag-ibig
para sa'yo tila nobela
na mararamdaman mo
hanggang sa huling yugto.

Mahirap man itugma
ang dulo ng aking tula,

patuloy na ihahabi
ang mga salitang hindi
masabi-sabi ng aking labi
sa'yo minamahal na Binibini.

Aminadong hindi kasinggaling
ng ibang makatang bumihag sa'yo,

aking titiyakin na sa
bawat tula na ililikha,
ikaw lang ang aking paksa
at tugma na iyong mababasa.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon