At sa dahan-dahang 
paggapang ng iyong 
nakalalapnos na kamay
patungo sa nangangatal
kong mga daliri at palad,
tila kuryenteng nabuhay
mahimbing na pagtulog
ng aking damdamin, bawat 
hibla ng aking balahibo
at maging animo'y higit
pa sa dilim ng takipsilim
na magulo kong mundo.
Sinta, sana'y patuloy mong 
hahawakan aking kamay 
at huwag sanang bibitiwan
sa paglalakbay natin sa 
gitna ng mala-ungol na ingay 
nating pinagdadaraanan.
Hawakan mo ako;
Hahawakan rin
kita, Mahal ko.
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
 
                                               
                                                  