:: pagkukubli

16 2 0
                                    

Minsan, napapaisip ako kung nasasabik ka pa kaya na mabasa ang bawat tula na sinusulat ko para sa'yo?

O isa na lamang itong pangkaraniwang bagay na tila ba normal lang tulad ng hanging dumadampi sa balat mo?

May boltahe pa bang dumadaloy mula sa pinakamaliit na daliri sa iyong paa patungo sa dulo ng hibla ng iyong buhok?

O isa na lamang itong ordinaryong tinapay tulad ng pandesal na hahayaan na lang sa sulok hanggang sa amagin at mabulok?

Sinta, hindi ko na batid kung may katotohanan pa ba sa mga salitang nag-aapurahan sa iyong mga labi.

O isa na lamang itong kasinungalingang ayaw ko man paniwalaan, ngunit ako'y nagbubulag-bulaga't  isinasantabi.

Nilalamon ako ng apoy ng pag-ibig para sa'yo kahit na kawangis ito ng lason na maaaring ikamamatay ko.

Ngunit mahal kita higit pa ninuman at maging sa huling hininga, ikaw pa rin ang nakakabinging isisigaw ng puso.

Mahal kita,
ngunit
                            taksil ka ba, Sinta?

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon