:: ating istorya

17 2 0
                                    

Sa nobelang
ikaw at ako
ang bida,

"Tayo" ang
pamagat sa
akda ni Bathala.

Sa pagitan
ng mga linya
at tuldok,

nilagpasan natin
ang bawat
mga pagsubok.

Sabay nating
binuklat ang
bawat pahina,

At binasa
ang nilalaman
ng kabanata.

Hindi man
natin batid
ang wakas,

Tiyak ang
kuwento natin
hindi lilipas.

Kung sa
pahina man
ay ligaya

At sa
kabanata ay
mga pagluha,

Kasabay ng
pagtiklop ng
ating libro,

Siyang paggunita
sa pag-ibig
nating nabuo.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon