:: sigurado

19 2 0
                                    

Nais kitang
makasama tumanda.
Walang magbabago,
mahal pa rin kita.

Nais ko na ikaw pa rin
sa hapag ang kasalo.
Sabay nating ipagdiwang
ang maraming pasko.

Pagdating man ng araw na
kay hirap ng abutin ang sahig,
ikaw pa rin nitong munting
puso ang siyang ipipintig.

Gusto ko sana sa
paglubog ng araw,
kayakap ay walang iba
kundi natatanging ikaw.

Gusto rin na sa
aking huling hininga,
ikaw ang kapiling ko Sinta,
wala nang iba pa.

Batid natin na walang
katiyakan ang mundo,
ngunit pag-ibig ko sa'yo
ang siya lang sigurado.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon