:: tamang panahon

15 2 0
                                    

Mahal, hindi man tayo hanggang dulo
Nandito lang ako palagi para sa'yo.

Mamahalin kita gaano pa kalayo
Laman ka ng mga dalangin kahit malabo.

Mahal, sa susunod na habang buhay
Hinding-hindi na tayo maghihiwalay.

Pangako, dadamayan sa gitna ng lumbay
Papawiin mga luha at ulo saki'y itanday.

Mahal, gagatungan ang humuhupang apoy
Patatagin ang pundasyon tulad ng kahoy.

Hindi ka na muling sasaktan at itataboy
Tanging pagmamahal sa'yo ang isasaboy.

Mahal, kung 'di man ngayon ang panahon
Hihintayin kita hanggang tadhana'y umayon.

Batid kong gaano man kabagsik ang alon
Sa'yo pa rin handa ang puso ko tumalon.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon