Naiintindihan kita,
Aking Sinta
Kung oras nati'y
'di nagtutugma.
Mundo natin
ay magkaiba.
Ika'y nandirito;
Ako'y nasa kabila.
Mahirap ipilit
ang imposible
At ilaban ang
hindi pwede.
Malayo ka sa 'kin.
Sa'yo ay ako rin.
Sasapat pa ba
ang mahal kita
Kung kagaya ng
aking panulat
Nauubusan na
ako ng tinta.
At kagaya ng
aking tula
Tila kay hirap
nang itugma.
Ngunit mahal
pa rin kita, Sinta.
Mamahalin pa rin
kita, Aking Sinta
Hanggang sa naisin
mo ng maging malaya.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
