:: katiyakan

12 2 0
                                    

Sa mga panahong nais
ko ng takasan ang mundo,

Hinawakan mo ang kamay ko
at sinamahan akong tumakbo.

Sabay nating nilisan ang
mga pighati at mga duda

At nilulong ating mga sarili
sa kapayapaan at ligaya.

Sinamahan mo ako sa bawat
hamong ibinabato ng buhay.

Pininturahan mo ang blankong papel
kong buhay nang matingkad na kulay.

Sinta, ikaw ang nagsilbi kong
pahingahan at aking kanlungan.

Hanggang sa hindi ko namalayan,
Ikaw na pala ang aking kailangan.

Pangalan mo na pala ang isinisigaw
ng mga labi sa ilalim ng kalawakan.

Ikaw na ang nais kong titigan at
hindi na ang buwan at mga tala.

Muli mong binuhay ang natutulog
kong puso na akala ko'y hindi na.

Ang mundo ma'y napapaligiran ng
sanlibong duda at walang katiyakan,

Buhay ko ma'y walang kasiguraduhan,
Tiyak na mahal kita, Aking Paraluman.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon