Marami akong nais sabihin at aminin
Ngunit iniisip ko ang maging damdamin
Sakaling maibato ang mga sasambitin
Pag-ibig mo kaya ay maging ganun pa rin?Kung kaya ititikom ang aking bibig
At hayaan ang dibdid sa pagkabig
Sa kabila ng agam-agam at pagkaligalig
Nangingibabaw pa rin ang aking pag-ibig.Ikaw pa rin ang pipiliin ko sa bawat t'wina
Ikaw parati ang hanap-hanap ko, Sinta
Ikaw lang ang naging katiyakan at tama
Ikaw lang at hindi ipagpapalit sa iba.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...