Kung hihiling ako 
sa Maykapal
Ano pa ba, 
Aking Mahal?
Hindi ka man 
perpekto sa 
mata ng iba
Ikaw pa rin sa 
aking buhay  
ang nangyari
na pinakatama.
Kailanman hindi
magsisisi na
nakilala kita
sa ganitong uri 
ng mundo kung 
saan ang lahat ay 
isang pagkukunwari.
Ikaw ang buwan 
na nagbigay liwanag
sa madilim kong daan 
at ang tala na
nagsilbing palatandaan 
na walang paparating 
na unos o ulan. 
Mahal kita,
Paraluman na
aking sinisinta.
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
 
                                               
                                                  