At sa susunod na
habang buhay, Mahal
Pipiliin ka pa rin at
ituturo sa Maykapal
Nasasabik ako sa
ating unang pagkikita
Sa araw na itinakda
sa atin ni Bathala
Kahit saan man tayo
pagtatagpuin ng Tadhana
Mapaplasa man o Luneta
kahit pa sa ibang planeta
Maghihintay ako
kahit pa abutin ako ng umaga
Kahit pa bumuhos
ang ulan at ginawin, Sinta
At sa sandaling ika'y
masilayan na kahit pa sa gitna ng kulog
Isang mahigpit na
yakap at halik sa'yo ang ihahandog.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
