***:: bagong simula

15 2 0
                                    

Mahal,
halika't magpahinga ka muna
at kalimutan ang mga problema

Mula
sa paligid mong nanggagambala
na binibigyan ka ng pangamba.

Simula
ang bawat hatid ng umaga
kung kaya ika'y tumahan na.

Mahal
ka ng butihing may likha
mas higit pa sa mahal kita.

Kita
ko ang paglaglagan ng mga luha
na nagmumula sa iyong mga mata

Hanggang
sa tuluyan nang walang natira
at sa balikat ko'y nakatulog ka.

Dulo
ng mundo'y hindi pa natantiya
kaya h'wag mawalan ng pag-asa.

Mamahalin
ka pa ng naghihintay na umaga
na may sorpresang 'di mo inaakala.

Kita
ko ang bigat na iyong dinadala,
ngunit nandito ako, sasamahan kita.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon