:: simple lang

14 3 0
                                    

Hindi naman ako
Kasinggwapo ni Massimo
Hindi rin matalino
Tulad ni Einstein at Galileo
Kumakanta naman ako
Ng mga tugtugin ni Jason Derulo
Yun nga lang ay sintunado.

Hindi ako mayaman
At wala sa Forbes List ang pangalan
Walang magandang katawan
Kagaya ni Jamie Dornan
Hotel at mamahaling restawran?
Ang alam ko lang simbahan.

Hindi marami ang damit
Kagaya ni Brad Pitt
Walang magarbong gamit
Tulad ni Will Smith
Tampulan ng panlalait
Ngunit, 'di ka kayang ipagpalit.

Hindi naman ako si Ezekiel Roswell
Na kayang humawak ng baril
O si Jeydon Lopez na Bad boy
Na langit sa kaniya'y nag-aapoy
Hindi ako yung tipong mala-wattpad
Ngunit, tiyak na 'pag nagmahal ay sagad.

Hindi ako artista na isinilang sa mundo
Na makikita mo sa TV at Dyaryo
Ako lamang ay simpleng nilalang
Na marunong ng salitang paggalang
Wala akong kayang maipagmayabang, Sinta
Yun lang ang mahalin ka sa salita at gawa.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon