:: at sa ikalimang ikaw

16 2 0
                                    

Atin ang sandaling ito, Mahal ko
Sa mundong may ikaw lang at ako.

Hayaang makiliti ang mga tala
At lumuha ang buwan sa saya.

Umulan man ng sanlibong bulalakaw
Mananatili sa tabi't pipiliin pa rin ay ikaw.

Hindi ka man perpekto tulad ng langit
Ikaw lang sa mga mata ko'y nakakaakit.

Wala na akong ibang hiling pa kay Bathala
Kundi ang makasama ka sa huling hininga.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon