:: sensasyon

21 3 0
                                    

Ula'y bumubuhos
Ngunit, init na lumalapnos
Sa balat at katawan
Hanap ay parausan.

Mahal, h'wag kang mang-aakit
Baka 'di matansya at mahapit
Baywang mong hugis-peras
Ninanasa kong malamas.

H'wag mo ring kakagatin
Labi mong nais kong maangkin
Baka matikman mo ang dahas
Ng halik kong mapangahas.

Ang malamyos mong boses
Baka hindi ako makatiis
At mapalitan iyan ng ungol
Sa sarap at hindi pagtutol.

Bagay sa'yo ang iyong kasuotan
Ngunit, tila nais ko ring pagmasdan
At 'di pagsasawaan ng mga mata
Ang tinatago sa likod yaring tela.

Mahal, huwag ka ring sasayaw
Nang nakakahalinang paggalaw
Baka ika'y kubabawan at itali
Sa kama na paiingayin natin buong gabi.

Kapag ika'y nilalamigan
Nakahanda akong gawaran
Nang kahit ano man na naisin
Upang ang lamig ay paiinitin.

Matindi ang aking pagpipigil
Kung sasagarin, ika'y tumigil
Baka ika'y aking lalaspagin
Ng pagmamahal na matagalan.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon