:: pahintulot

19 3 0
                                    


Ba't palaging sariling kaligayaha'y isinasantabi at magkandarapang ipilit ang hindi na maaari?

Aking sinta, ika'y hindi kalapati na hinahayaang puso'y mabilanggo sa malabakal niyang pagkasi

Ba't 'di luwagan ang pangungunyapit at kusang bumitiw sa pag-iibigan niyong kailanman hindi magwawagi?

Aking sinta, nandito naman ako, handa kang ipaglaban kung iyong pahihintulutang sa akin ka na lang magpapatali.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon