:: paghakbang

14 2 0
                                    

Hindi kita kayang pakawalan
Kamay mo'y ayaw kong bitiwan.

Nais pa kitang makasama, Sinta
Kung maaari hanggang sa pagtanda.

Lilibutin natin bawat sulok ng mundo
Hanggang sa dulo magkasama tayo.

Maglalaro pa tayo sa mga ulap
Sabay aabutin ating mga pangarap.

Ipaglalaban kita kahit pa kay Bathala
'Pagkat tayo'y ipinagtagpo at itinadhana.

Ngunit kung sadyang siya'y higit pa
Mas mabuting puso'y iaawat na.

Hahayaang pumili ng daang tatahakin
Sa kaniya ba hahakbang o sa akin?

Kung nais mong patungo sa kaniya
Isang hakbang pa ay malaya ka na.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon