:: hanggang sa huli

17 2 0
                                    

Sakaling ito na ang
kahuli-hulihang patak
ng aking tinta,

walang pag-aalinlangang
ibubuhos ang huling dugo
at luha sa pagkatha ng
magandang tula.

Sa gayon, kahit pa
tangayin ito ng
rumaragasang alon,

uukit ang kariktan sa
kapusuran ng karagatan
kung saan aking pag-ibig
nananatiling nakabaon.

Susulatan kita sa gitna
ng harding may sanlibong
nag-iilawang alitaptap

upang ang bawat letra at
mga talinghagang salita
na nababasa ng iyong
mga mata ay kumukutitap.

Sisikaping maisulat ng
pluma at papel ang
panghuling akda

na puno ng ligaya at
pagsinta upang iyong
maalala na may isang
makata na aalayan ka

              ng tula hanggang sa
            kaniyang huling hininga.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon