:: salamat

15 2 0
                                    

Pasuko na
Ayaw ng
Umahon pa
Sa labis na
Pagdurusa.

Pinipilit pa
Kahit na
Masakit na
Kahit pa
Ayaw ko na.

Nais ko na
Makawala
Sa mga
Rehas na
Bakal na gawa.

Pagod na
Maniwala pa
Sa mga
Pangako niya
Tama na.

Hindi na
Aasa pa
Masakit na
Tatapusin na
Tatakasan na.

Lalayo na
Ayaw ko na
Bumalik pa
'Pagkat siya
Nakasasakal na.

Ngunit, Sinta
Dumating ka
Kumapit ka
Sa mga
Brasong lanta.

Iyong sinalba
Pagkalunod sa
Pighati't mga
Kasawian na
Pinapatay t'wina.

Salamat, Sinta
Nagkaroon bigla
Lakas at pag-asa
Harapin mga
Unos at problema.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon