:: ano ba tayo

17 2 0
                                    

Tayo pa ba?
Mahal pa ba?
Ako pa rin ba?
Sawa ka na ba?

Sa mundong hindi tama
Magkasangga tayong dalawa
Ngunit, mahal nasaan ka ba
No'ng ako'y nahihirapan na?

Ipahiwatig mo
Ano ba ako sa'yo?
Nais pa ba ng puso?
O tapusin na natin 'to?

Isigaw mo sa along bumubugso
Tunay na nilalaman ng iyong puso
Kung ako pa ba at manatili sa'yo
O kung may iba na at tatakbo palayo.

Mahal kita
Mahal mo siya
Mahal ka niya
Pa'no ako, Sinta?

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon