:: dinggin

18 2 0
                                    

Ilapit nang walang pag-aatubili ang iyong tainga sa aking dibdib, Giliw
Pakinggan ang pahiwatig ng mga hitik na pilantik na nababaliw.

Nauulinigan ba ang palahaw na simbuyong hatid nitong puso?
Animo'y pambihirang liriko ang pangalan mong tinutugtog ng silindro.

Ano kaya ang pakiwari sa bawat pantig na pinipintig na iyong naririnig?
Tumatagos kaya ang mala-sinsel na panudla ng Diyos ng Pag-ibig?

Marahil, isang kahibangang pithaya na malapnos ng aking pagsuyo
Bagkus damdamin mo'y nagtatampisaw sa hatid niyang init at rahuyo.

Ngunit kalabisan ba ang pagsusumamo ng kagyat na pagdama?
Nawa'y handugan kahit kapara'y bula na pagsinta, naglalaho kapagdaka.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon