:: panata

15 2 0
                                    

Mahal, ba't mo pa
Iisiping may iba
Gayong sa simula
Ikaw lang, wala na.

Itakwil na ang duda
Hayaan na sila
'Pagkat ikaw na nga
Ang nilaan ng Tadhana.

Mula nang makilala
Walang hangad pa
Kundi makasama ka
Hanggang sa pagtanda.

Mahal, mahal kita
Hindi ko magagawa
Na lokohin at saktan ka
At ipagpalit ka sa iba.

Maniwala at magtiwala
Ikaw lang ang aking paksa
Sa likod ng bawat akda
At aalayan ng mga tula.

Hanap ay wala na
Sa'yo ay sapat na
Iibigin kita, Aking Sinta
Ito ang aking panata.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon