Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

:: ako pa rin ba

22 2 0
                                        

Wala na akong maramdaman
Wala na atang patutunguhan.

Malabo na ang ating dinadaanan
Tungo sa pangarap na walang hanggan.

Sawa na akong maniwala
Pagod na akong magtiwala.

May matatawag pa bang tayo, Sinta?
O niloloko lang natin ang isa't isa?

Namamanhid na ang puso
Kasingtigas na ata ng bato.

Nagbubulag-bulagan sa nasasaksihan ko
Pipiliin na lamang itago ang paninibugho.

Mahal, huling tanong
Isigaw, h'wag ibulong.

Ako pa rin ba ang dahilan ng paggulong?
O iba na sa puso'y nagpapadagundong?

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon