:: bihag

15 2 0
                                    

Nagsimulang magbago
ang lahat nang matagpuan
kita sa tahanan ni Bathala.

Tipong doon ko lang
napagtanto na totoo
pala ang anghel nang
makita iyong ganda.

Langit ka ba, Sinta?

'Pagkat ang sarap mong
pagmasdan lalo na t'wing
gabi at ang mundo ay
nababalot ng katahimikan.

Wala kang kapantay at 'di ko
magagawang ipagpalit tanawin
na bumihag sa'king puso't isipan.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon