Hindi ako bulag
Sa mga nakikita ko
Batid ko ang saya
Sa mga mata mo
Kung paano gumuhit
Ang pagkasabik rito
Sa t'wing napapadaan
Mga piyesa niyang binuo
Mahal, ako'y nasasaktan
Nagseselos ang aking puso
Ngunit, ano ang magagawa
Kung siya ang nauna, 'di ako?
Minamahal kitang tunay
Ngunit anong laban ko
Sa talagang sinisigaw
Ng damdamin mo?
Ang kaya ko lang, mahalin ka
Pero 'di pa rin sasapat sa'yo.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
