:: pagpanaw

15 2 0
                                    

Ikaw ang namumukod-tangi sa balintataw
Binibining bumura sa pamamanglaw.

Walang ibang hiling kundi tanging ikaw
Sa'ting tahanan ikaw ang maging ilaw.

Sa ilalim ng langit na bughaw
Pinawi mo ang pusong nauuhaw.

Nais masilayan ng mundong ibabaw
Sinag ng iyong ngiti sa tala'y umaagaw.

Nais pa kitang sa buwan ay isayaw
Habang ang ula'y sumasabay sa galaw.

Pag-ibig ko sa'yo ay umaapaw
Ngunit ba't bigla ka na lang umayaw?

Mundo ko'y tila nagunaw
Nais ko na lang pumanaw.

At sa paglipas ng araw
Hindi ka na muling natanaw.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon