:: takda ng tadhana

33 2 0
                                    

Ano kaya ang
pakiramdam sa piling mo?
Kasing-init kaya
ng tinapay na hinuhurno?

Ano kaya kung
katabi ka mahiga sa kama?
Mapapawi kaya
ang ginaw na umaakap sa umaga?

Ano kaya ang
sarap na aking madarama?
Mas masarap pa kaya
sa paboritong kape na tinitimpla?

Ano kaya ang
amoy ng iyong balat at buhok?
Kawangis ba ng
halimuyak ng rosas na 'di nabubulok?

Ano kaya ang
lasa na nayayakap ka at nahahagkan?
Mas higit ba
ang tamis sa purong pulot-pukyutan?

Ano kaya ang
buhay 'pag naiharap ka na sa dambana?
Kalabisan ba na
sana tayo'y 'di na magwawakas pa?

Marami man
sa aking isipan mga hiling at mga dalangin
Maghihintay sa
takdang pahanong ibibigay ng Diyos sa'tin.

Maaaring magtatapos
ang pahina ng libro ng
ating pag-iibigan,
Aking Sinta

Ngunit may natitira
pang papel at tinta
na ating susulatan ng
panibagong kabanata.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon