Dumating ka
bigla nang
walang pabala
at ngayo'y
kakaiba ang
sayang nadama
sa piling
mong tila
ulap, Sinta.
Bago pa
nahulog sa'yo
itong puso,
buhay ko'y
magulo at
kulay espalto.
Binago mo
takbo ng
aking mundo
kung saan
bawat ikot,
bawat hinto,
wala ng
iba pang
dahilan kundi
ikaw lang,
Paraluman na
iniibig ko.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
