Kinakalawang punyal sa dibdib nakatasak, sakaling masulyapang sa iba nakapulupot mga malulusog na brasong singlambot ng kumotLasong nakamamatay kung matikman ng bibig, sakaling masumpungan mga labi niyong naglalampungan sa ilalim ng buwang sa dilim ay bumabalot
Mahal, batid sa sarili ang bahid ng kakulangan at kamalian, ngunit pag-ibig sa 'yo'y dalisay kahit nangingimbulo sa kadahilanang nararamdamang takot
Nagsusumamo ang damdamin, nawa'y h'wag munang kakalas sa yakap at halik 'pagkat 'di kakayaning pasanin ang hapdi at sakit kung pag-ibig saki'y ipagdamot.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...