Susulitin ko na ang 
natitirang araw na 
kasama pa kita
Baka kasi sa darating 
na bukas ay wala ka na 
O maaari rin na ako ay 
wala na sa piling mo, Sinta.
Hindi ko man hawak ang 
bawat segundo na idinidikta 
ng kamay ng orasan,
Hawak ko naman ang puso 
mo na aking iniingatan. 
Nasa iyo naman aking pag-ibig
na 'di magmamaliw kailanman.
Batid nating dalawa na 
ang lahat ay may dulo at 
magtatapos sa paalam.
Kung ano man ang maging 
wakas 'di ako magdadamdam
'Pagkat sa'yo ko lang natagpuan 
tunay na pag-ibig na aking inaasam. 
Ikaw ang pinakamagandang 
nangyari sa buhay ko na hindi
ko ipagpapalit sa halaga ng ginto.
Wala kang kapantay at 
walang hihigit pa sa'yo.
Sinta, sa'yo lang nagmahal
ang puso ko nang ganito.
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...
 
                                               
                                                  