:: kasarinlan

15 3 0
                                    

Magpapaubaya
Sa kinikimkim na luha
Isa, dalawa, tatlo
Hanggang sa huling patak nito.

Magpapubaya
Pagkat masakit na
Kahit mahal mo pa
Bibitiw ka na.

Magpapaubaya
Lilisanin na sila
Mga pagpapanggap
Ituloy ang pangarap.

Magpapaubaya
Ibabaon na
Masamang alaala
At muling magsimula.

Magpapubaya
Kakalimutan na
Aahon, lalaban pa
At maging malaya.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon