:: tayo

17 2 0
                                    

Mahal, nais kong malaman mo
Hindi nagbago pag-ibig sa'yo
Kung mahal kita kahapon
Mas mahal kita ngayon.

Mamahalin pa kita bukas
Lalo pa sa mga araw na lilipas
Sulat at larawan man ay kukupas
Puso'y titibok sa'yo hanggang wakas.

Para sa'yo ako bumabangon sa umaga
Sa bawat hamon, ikaw aking pag-asa
Hulog ka ng langit, Sinta
Hatid sa akin ay ligaya.

Samahan mo ako
Magtampisaw tayo
Sa mga nakaw na sandaling ito
Hangga't may matatawag pang tayo.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon